Sa kasalukuyang panahon, hindi natin maipagwawalang saysay ang kahalagahan ng karunungan sapagsasalita at pagsulat ng wikang Ingles, dahil itinuturing ito na lenggwahe ng globalisasyon. Mismo angating pamahalaan ang nagsabi ng kahalagahan ng mahusay na paggamit ng Ingles upang tayo ay
maging “competitive” sa buong mundo.
Ginagawa natin ito sa pagitan ng patuloy na paggamit sa Inglesbilang pamamaraan ng pagtuturo sa ating mga paaralan at bilang lenggwahe ng pakikipag-ugnay saating mga kababayan. Ang mahalagang katanungan sa ngayon ay kailangan pa bang ipagpatuloy natin ang hangarin sapaglinang ng Filipino bilang pambansang wika? Kung ating gugunitain, sinimulan ng Plipinas ang pagbuong Tagalog o, sa kalaunan, Filipino, bilang pambansang wika noong dekada 1930 sa panahon ngpamahalaang Commonwealh. Masakit isipin na hanggang ngayon ay hindi pa tayo nakapagsang-ayonkung ano talaga ang wikang Filipino.Samantala, ang ibang bansa na matagal pa bago magpataguyod ng paglinang ng pambansang wika aytalagang nagtagumpay sa kanilang hangarin. Sa kabuuan, ang kanilang mamamayan ay nagsasalita nang isang lenggwahe. Ito ang karanasan ng Indonesia at Malaysia. Ang Indonesia na siyangpinakamalaking arkipelago sa buong mundo at may humigit kumulang mga isang libong lenggwahe aymakapagsasabi na ngayon na meron silang wikang pambansa, ang Bahasa Indonesia. Ito rin angnangyari sa Malaysia. Nagtagumpay din sila sa pagbuo ng pambansang wika. Lahat na yatang mgabansa sa Asya ay meron nang ginagamit na pambansang lenggwahe, maliban sa atin. Ang wika ay nakatali sa ating kultura at kung sino tayo.
Kaya lang, ang tinatawag nating “culturalidentity” ay malabo na rin dahil sa malawakang impluwensya ng kanluraning kultura.
Kung ang lahinaman ang pag-uusapan, ang ating hitsura ay walang kaibahan sa mga tao sa Myanmar, Kampuchea,Malaysia, Indonesia, at Brunei. Kaya, ang lenggwahe lamang ang malinaw na batayan ng pagiging isangbansa natin.
Kahit na ang Ingles ang “lingua franca” ng buong mundo, kailangan pa rin n
atin angpambansang wika. Ang sariling wika lamang ang makapagpapahayag ng tunay na niloloob at mgaemosyon natin. Halimbawa, iba ang magiging resulta kung ang isang nakatatawang istorya sa orihinal nawikang sarili ay isasalin at bibigkasin sa Ingles. Dagdag pa, ang pambansang wika ay makatutulong sa
paglinang ng pagkakaisa at ang tinatawag na “sense of belongingness”.
Ang nga Intsik at Hapon aynagpapakita ng kanilang pagkakaisa at pagpapahalaga sa sarili sa pamamagitan ng pagsasalita ngkanilang wika. At sila ang mas maunlad na mga bansa kahit na hindi sila marunong ng Ingles.Tinatanggap natin na dahil sa karunungan natin ng Ingles, libo-libong kababayan natin ang nakahahanapng trabaho sa labas ng bansa. Kaya lang, karamihan sa mga gawain ng mga Pilipino doon ay iyongpaninilbihan sa mga dayuhan.
Ito ang kalagayan ng ating mga “domestic helpers”, “caregivers”, “entertainers”, at mga nars.
Ito ba ang ideya natin sa “competitiveness”?
Sa aking pananaw, ang tunay
na pagiging “competitive” ay kung t
ayo ay magiging negosyante, kapitalista, mangangalakal, teknisyan,may-ari ng paaralan at tindahan, at tagapagbenta ng ating mga produkto sa ibang bansa. Ang ating pambansang bayani, si Jose Rizal, ay nagpahayag ng kahalagahan ng pag-ibig sa bansa sapamamagitan ng pagmamahal sa wikang Filipino.
Sinabi pa niya na “ang hindi marunong magmahal sasariling wika, ay mas masahol pa sa malansang isda!”
Hindi maituturing na makabayan ang isang taokung ikinahihiya niya ang sariling wika. Ito ay isang bagay na dapat mapagliming mabuti ng mgakababayan natin na walang pagpapahalaga sa sariling wika, pambansa man o rehiyunal. Nakakalungkotisipin na sa kasalukuyang panahon, marami sa ating mga Pilipino ang higit na humahanga sa mgakababayan nating napakahusay magsalita ng Ingles. Dagdag pa, kapag hindi marunong mag-Ingles angisang Pilipino, itinuturing na hindi siya kasinggaling o kasingtalino ng iba na mahusay mag-Ingles.

Lahat ng mga Pilipino ay may tungkulin sa pagmamahal sa sinilangang bayan at, natural, sa sarilingwika. Sa wika na lamang siguro natin maaaring makita ang pagkakaiba natin sa ibang mga tao samundo, lalo na ngayon na maaaring ibahin o baguhin ang kulay ng ating balat, ang anyo ng ating mukhaat kahit na ang hugis ng ating katawan. Ang wikang Filipino ay ang nalalabing diwa ng ating damdamingmakabayan at pambansang pagkakaisa at kailangan natin itong bigyan ng kaukulang pagpapahalaga.
Kahalagahan ng Wika
Mahalaga ang wika sapagkat:
ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;
ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao;
sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;
at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman. Ang wika ay katangi-tanging gamit ng tao sa kanyang pakikipag-ugnayan sa kapwa. Mahalaga ang wikadahil ito ang batay ng pakikipagugnayan at pakikipagtalastasan tungo sa pagkakaunawaan atpagkakaintindihan sa sangkatauhan. Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitannito ay naipapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa pamamagitan din nito nalalaman natinkung ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa. Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isasa pamamagitan ng paggamit ng wika.Ito ay isang sistemang gamit sa pakikipagtalastasan na binubuo ng mga simbolo at panununtunan. Saparaang ito nagkakaintindihan ang isa't-isa,.Napakahalaga ng wika subalit kung ito ay wala Hindi magkakaintindihan ang bawat tao. Kahit ano paman ang gamit o nakasanayang wika ng bawat indibidwal, ngunit tayong mga Pilipino ay may sariklingwika madami ngunit sariling atin kagaya na lamang ng Tagalog, Bisaya, Cebuano, Pangalatok, mga wikasa Mindanao at madami pa. Dapat natin itong pahalagahyan sapagkat ito ay yaman nating mgaPilipino.ito ang gamit natin sa pakikipag komunikasyon. ang wika ang nagsisilbing paraan na magagamitnatin paramakausap ang iba.ang komunikasyon ay ang pinag sama-samang kaalaman at opinyon na mahalaga upangmagkaunawaan, makatulong sa negosasyon, sa paghahatid ng impormasyon at pagsagot sa mga kurokuro sa pamjamagitan ng analisasyon. Bilang mamamayang Pilipino,obligasyon natin na payabunginito,dahil ito ay simbolo ng yaman ng wika na nag-uugnay sa bawat Pilipino at sa mundo, ito aynagbibigay ng epektibong pakikipagtalastasan sa ibang tao sa mundo at ito ay isang paraan upangmagkaroon ng pagkakaisa ang mundoMawawalan ng saysay ang gawain ng sangkatauhan kung wala ang wika. Dahil ang wika bilangpakikipagugnayan ay ginagamit sa pakikipagkalakalan, diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan



at pakikipagpalitan ng kaalaman sa agham, industriya at teknolohiya. Ang wika bilang pakikipagtalastasanay ginagamit sa pagtungo, paghahanapbuhay at paninirahan sa ibang bansa.ito ang diwa ng isang pahayag,,..ang wika ang ngsisimbolo ng kalayaan ng isang tao,,batay kung paanoniya ito ginamit,,,,,, Ang wika ay sadyang napakahalaga. Ito ang nagbubuklod sa bawat tao Hindi lamang dito sa Pilipinaskundi maging sa mga ibang bansa rin.Sa pamamagitan ng wika kaya nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang bawattao kundi pati na rin sa mga karatig bansa nito.*Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan*Sagisag ng pambansang pagkakakilanlan*Ang wikang pambansa ay siyang susi sa pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa ng mgamamamayan*Sa pamamagitan ng mga salita nagkakaunawaan ang mga taoNakakapagkomunikasyon sa iba at nasasanay tayo sa gramatika1. sa sarili2. sa kapwa3. sa lipunankailangan nating tangkilikin ang ating sariling wika.....................kung WALANG WIKA...WALANG KOMUNIKASYON...AT KUNG WALANG KOMUNIKASYON...WALANG PAG-KAKAUNAWAAN... Ang kahalagahan ng wika sa ating bansa ay makakatulong ito upang mag kaintindihano mag kaunawaan.... Ang wika ay isang mabisang instrumento sa pakakaunawaan at pagkakaisa ng mga mamamayan ngbansa. Ang wika ay isang pamamaraang ginagamit sa pagpapa-abot ng kaisipan at damdamin sapamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isang likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mgakaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumikha ng tunog. Isangkabuuan ng mga sagisag sa paraang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaugnay,nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.
